October 13, 2024

Home SHOWBIZ

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz
Photo Courtesy: Zephanie Dimaranan (IG)

Inamin ni "Idol Philippines" Season 1 Grand Winner Zephanie Dimaranan na dumating din daw siya sa punto na parang gusto na niyang isuko ang kaniyang showbiz career.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, ibinahagi niya ang tungkol sa nasabing bagay at kung paano niya nga ba ito nalampasan.

“Siguro looking back doon sa season na ‘yon ng life ko na muntikan na akong sumuko parang naalala ko po noon na maraming nag-eencourage sa akin na mga tao especially ‘yong mga loved ones ko po,” saad ni Zephanie.

“Telling me not to give up and to be patient. And even this year, Tito Boy, parang maraming beses pa rin na ‘para pa rin ba sa akin ‘to?’” wika niya.

Variants ni Jhong Hilario, dumagsa sa 'It's Showtime'

Dagdag pa niya: “Kasi may time po na nakahanap po ako ng ibang pagkakaabalahan, ibang paglalaanan ng oras which is community outside of the showbiz industry and sobra ko pong na-eenjoy ‘yong buhay na ‘yon.”

Gayunman, ayon kay Zephanie, habang na-eenjoy daw niya ang buhay na labas sa mundo ng showbiz ay na-realize pa rin daw niya na may purpose pa rin daw siya rito.

“May pinanghahawakan ako, Tito Boy, na saying na ‘I may not be where I want to be but at least I am where I used to be,” sabi pa niya.

Matatandaang dalawang taon na rin ang nakalilipas simula nang mag-ober da bakod si Zephanie mula sa ABS-CBN patungong GMA Network.

MAKI-BALITA: Zephanie 1 taon na sa GMA; nagpasalamat sa pagmamahal, mainit na pagtanggap