October 12, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Juliana nagpatutsada kay Diwata: 'Dating nagsusungit, ngayon kusang lumalapit!'

Juliana nagpatutsada kay Diwata: 'Dating nagsusungit, ngayon kusang lumalapit!'
Photo courtesy: Juliana Parizcova Segovia (FB)

Tila nagpasaring si "Miss Q&A" Season 1 Grand Winner at komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia sa social media personality at paresan owner na si Deo Balbuena o mas sikat bilang "Diwata," na kamakailan lamang ay naghain ng certificate of nomination acceptance (CONA) sa Commission on Elections (Comelec) bilang 4th nominee ng Vendor party-list.

MAKI-BALITA: Diwata, isa sa nominees ng Vendors Partylist: 'Boses para sa maninindang Pilipino!'

Bago ang sariling pagpapatutsada kay Diwata, kumakalat sa social media ang pasaring din ng ibang content creators at netizens patungkol sa kusang-loob na paglapit na ngayon ng paresan owner sa mga tao para maki-selfie.

Samantalang noong kasagsagan ng pagdagsa ng mga tao sa kaniyang paresan, naisyung "namimili" raw si Diwata ng eestimahin niya, at paminsan daw ay natatarayan pa ang mga nagre-request ng selfie sa kaniya.

Tsika at Intriga

RR sa pag-zumba ni Diwata: 'Dating hindi namamansin, ngayon nagpapapansin?'

MAKI-BALITA: Diwata sinagot isyung namimili ng ka-selfie, isnabera na siya

Sa Facebook post ni Juliana nitong Biyernes, Oktubre 11, ibinahagi niya ang larawan ni Diwata na tila nakipag-groupie sa ilang kalalakihang kumakain sa kaniyang paresan. Makikitang si Diwata mismo ang may hawak ng cellphone, batay sa anggulo nito.

Caption ni Juliana, "Dating nagsusungit,ngaun kusang lumalapit.. ."

Photo courtesy: Screenshot from Juliana Parizcova Segovia (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Kusang lumalapit kasi tatakbo whahahaha lilipas din yan diwata.."

"Boto is needed kaya friendly galore"

"pag may kailangan talagang kukusa yan lalapit wag kami luto ka nalng ng pares mas kailangan ka ng mga suki mo"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Diwata kaugnay sa mga isyung ipinupukol sa kaniya kaugnay ng pagtakbo sa party-list at pagkukusang pagpapa-picture sa mga tao.