October 12, 2024

Home SPORTS

Caloy balak gawing misis si Chloe sa 2025, gawing nanay naman sa 2028

Caloy balak gawing misis si Chloe sa 2025, gawing nanay naman sa 2028
Photo courtesy: Carlos Edriel Yulo (FB)

Nabanggit ni two-time Olympic medalist Carlos Yulo na tila balak na umano nilang magpakasal ng kaniyang partner na si Chloe San Jose sa susunod na taon, bago siya tuluyang mag-training at sumabak sa Los Angeles Olympics sa 2028.

Iyan ang naibahagi ni Caloy sa naganap na private party kamakailan sa Bonifacio Global City para sa 25th anniversary ng isang editor ng magazine, kung saan nakapanayam ang atleta, ayon sa ulat ng isang lokal na pahayagan.

Ang pagkakaroon naman daw ng anak ay pinaplano nilang gawin pagkatapos ng LA Olympics.

Ibinida rin ni Caloy na isa sa mga nagustuhan niya kay Chloe ay masarap itong magluto. Gustong-gusto raw niya ang sopas ni Chloe lalo na kapag umuulan.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Isa pa pala sa mga paborito niya ay ang sinigang, basta huwag lamang daw sinigang na isda.

Matatandaang naibahagi na rin nina Carlos at Chloe sa "ToniTalks" ang plano nilang pagpapakasal.

MAKI-BALITA: Chloe, kinilig sa pa-flowers at pa-letter ni Caloy sa 52nd monthsary nila

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, ready na bang maging tatay?