October 12, 2024

Home SPORTS

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)

Mukhang balak nang pakasalan ni two-time Olympic medalist Carlos Yulo ang kaniyang partner na si Chloe San Jose sa susunod na taon, bago siya tuluyang mag-training at sumabak sa Los Angeles Olympics sa 2028.

Iyan ang naibahagi ni Caloy sa naganap na private party kamakailan sa Bonifacio Global City para sa 25th anniversary ng isang editor ng magazine, kung saan nakapanayam ang atleta, ayon sa ulat ng isang lokal na pahayagan.

Ang pagkakaroon naman daw ng anak ay pinaplano nilang gawin pagkatapos ng LA Olympics.

Ibinida rin ni Caloy na isa sa mga nagustuhan niya kay Chloe ay masarap itong magluto. Lagi raw siyang pinagluluto ni Chloe, at ang nabanggit nga niya ay sopas.

BALITAnaw: Ilang professional basketball players na nakatikim ng mabigat na parusa sa PBA

Gustong-gusto raw niya ang sopas ni Chloe lalo na kapag umuulan, at ang laman ay elbow macaroni.

Isa pa pala sa mga paborito niya ay ang sinigang, basta huwag lamang daw sinigang na isda.

Matatandaang naibahagi na rin nina Carlos at Chloe sa "ToniTalks" ang plano nilang pagpapakasal. Kamakailan lamang ay nagdiwang ng 52nd monthsary ang dalawa, at dito ay nasabi ni Caloy na excited na siyang magka-anak sila ni Chloe.

MAKI-BALITA: Caloy balak gawing misis si Chloe sa 2025, gawing nanay naman sa 2028