November 24, 2024

Home BALITA National

4.1-magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Sur

4.1-magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Sur
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa Surigao del Sur nitong Sabado ng umaga, Oktubre 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:08 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 22 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 22 kilometro.

Ito raw ay isang aftershock mula sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa baybayin ng Surigao del Sur noong Agosto 3, 2024.

National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.