October 11, 2024

Home SHOWBIZ

Rhian Ramos, itinangging ginagamit siya ni Sam Verzosa sa politika

Rhian Ramos, itinangging ginagamit siya ni Sam Verzosa sa politika
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Nausisa ang Kapuso actress na si Rhian Ramos kung pumasok ba sa isip niya na ginagamit lang daw siya ng jowa niyang si Sam Verzosa para sa interes nito sa politika.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, sinabi ni Rhian na hindi raw pumasok sa isip niya na ginagamit lang daw siya ni Sam kaya siya jinowa.

“Never ‘yon pumasok sa isip ko. Kasi nga, kung gagamitin niya ako, sana sa unang campaign pa lang,” saad ni Rhian.

“Actually, bihira din siyang mag-invite e. ‘Pag nalalaman ko lang na may malaki siyang event. Tulad nito. Ako mismo ‘yong nag-ooffer na ‘Uy, punta ako. Gusto kong makita,’” wika niya.

Ogie Diaz, pag-aaralan pa kung iboboto si Willie Revillame

Dagdag pa ng aktres: “‘Yong sa SioMaynila rin. No’ng namigay siya ng 100 food carts. Hindi nga niya alam na pupunta ako, e. Nag-surprise lang din ako noon.”

Katwiran ni Sam, kaya raw niya hindi iniimbitahan si Rhian sa mga event ay dahil ayaw daw niyang isip ng tao na ginagamit niya ang aktres sa kaniyang political career. 

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam, inamin ni Rhian na hindi raw siya pabor noong una na pasukin ni Sam ang masalimuot na mundo ng politika.

MAKI-BALITA: Rhian Ramos, 'di pabor sa pagkandidatong mayor ni Sam Verzosa?

Pero kalaunan ay natanggap din umano ito ng Kapuso actress. In fact, naghain na si Sam ng kandidatura sa pagkamayor ng Maynila noong Oktubre 6.

MAKI-BALITA: 'Umpisa na ang himagsikan!' Sam Verzosa, tatakbong mayor ng Maynila