October 11, 2024

Home SHOWBIZ

Rhian Ramos, 'di pabor sa pagkandidatong mayor ni Sam Verzosa?

Rhian Ramos, 'di pabor sa pagkandidatong mayor ni Sam Verzosa?
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT), Sam Verzosa (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang Kapuso actress na si Rhian Ramos hinggil sa pagkandidatong mayor ng jowa niyang si Sam Verzosa.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” kamakailan, inamin ni Rhian na hindi raw siya sang-ayon dati sa pagpasok ni Sam sa politika.

“Dati talagang hindi ako approved diyan. Nag-away pa kami diyan. Hindi ako support. Malaking away ‘yon,” saad ni Rhian.

“Ayaw kong magka-jowa ng politiko. E, hindi ko naman alam at that time na dito pala kami mapupunta. I mean, life talaga nangyayari lang,” dugtong pa niya.

Rhian Ramos, itinangging ginagamit siya ni Sam Verzosa sa politika

“Pero bakit ayaw mo ng jowang politiko?” usisa ni showbiz insider Ogie Diaz.

“Kasi,” panimula ni Rhian, “sa Pilipinas katulad ng ibang mahihirap na bansa, usually, ‘pag sinabi mong politics nakakabit na doon ‘yong corruption.”

Dagdag pa niya: “Para sa akin, when I was growing up parang hindi siya isang bagay na “Wow, politician ka!’ Parang may negative connotation siya sa akin.”

Pero kalaunan daw ay nakita ni Rhian ang happiness at fulfillment ni Sam nang makamit nito ang bagong purpose sa buhay.

“Lalo na ‘pag nakauwi siya from a day na may nabago siya, may natulungan siya for the better,” wika niya.

Kaya naman naisip daw minsan ng Kapuso actress na sana pala noong una pa lang ay sinuportahan na niya ang nobyo.

Matatandaang bago pa man kumandidatong alkalde ng Maynila si Sam noong Oktubre 6 ay nagsilbi na siya bilang isa sa mga kinatawan ng Tutok To Win Party-list.

MAKI-BALITA: 'Umpisa na ang himagsikan!' Sam Verzosa, tatakbong mayor ng Maynila