October 11, 2024

Home BALITA National

PBBM, inakala raw na magkaibigan talaga sila ni VP Sara: ‘Maybe I was deceived’

PBBM, inakala raw na magkaibigan talaga sila ni VP Sara: ‘Maybe I was deceived’
VP Sara Duterte at Pres. Bongbong Marcos (Photo: VP Sara/FB)

Inamin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “medyo dismayado” siya sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi siya nito kaibigan, dahil noon pa man daw ay inakala niyang magkaibigan talaga silang dalawa.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Biyernes, Oktubre 11, tinanong si Marcos hinggil sa kasalukuyan nilang relasyon ni Duterte.

“I don’t know anymore. I’m not quite sure I understand,” ani Marcos.

Nagbigay rin ng reaksyon ang pangulo sa naging pahayag kamakailan ng bise presidente na hindi sila magkaibigan at nagkakilala lamang umano sila noong nakaraang eleksyon.

National

‘Big Boss’ ng POGO sa Bamban at Porac, arestado na

MAKI-BALITA: VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

“I am a little dismayed to hear that she doesn’t think that we are friends,” saad ni Marcos.

“I always thought we were, but maybe I was deceived,” dagdag pa niya.

Matatandaang naging mag-tandem sina Marcos at Duterte noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng "UniTeam.”