October 11, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

'Paki-cancel po ang swimming!'Harutan nina Kyle, Daniela sa ilog, usap-usapan

'Paki-cancel po ang swimming!'Harutan nina Kyle, Daniela sa ilog, usap-usapan
Photo courtesy: ABS-CBN (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang isang eksena sa teleseryeng "Pamilya Sagrado" kung saan makikitang naglalambingan sina Kyle Echarri at Daniela Stranner habang naliligo sa isang ilog.

Maraming nagsasabing bagay silang dalawa dahil bukod sa parehong good-looking, pareho ding mahusay sa aktingan.

"Paki-cancel po ang swimming!" pabirong caption ng ABS-CBN News sa ibinahaging video clip mula sa serye.

"Swimming lang ang usapan eh bakit naging bebe time?" dagdag pa.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

First time mai-pair up nina Kyle at Daniela sa isa't isa, at mukhang aprub naman sa kani-kanilang fans ang tambalan nilang dalawa. 

Nagugulat lang ang mga netizen sa tila kaunting pagbabago sa imahe ng dalawa dahil allowed na sila sa mga ganitong eksena, lalo't nakakalokang naliligo pa sila sa ilog habang naglalampungan.

Mukhang hinuhulma nga ng ABS-CBN si Kyle na bukod sa pagiging singer ay certified actor na nga, at kinababaliwan din ng girls at mga accla dahil sa kaniyang pa-hunk image. 

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Wala na ngang jowa , nalunod pa sa inggit."

"Ung bagong gcng ka tpos eto bubungad sa news feed ko takte tulog nlng ulit aq."

"Cancel muna swimming haha."

"omggg parang kailan lang huhu,binata at dalaga na tlga btw naka 100 times ulit ako HAHAHAHAHAHA"

"Minus points sa langit haha."