December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Nico Locco, final na raw ang pakikipaghiwalay kay Christine Bermas

Nico Locco, final na raw ang pakikipaghiwalay kay Christine Bermas
Photo Courtesy: Nico Locco, Christine Bermas (FB)

Isiniwalat ni Philippine-based Canadian actor-host Nico Locco na muli raw silang nagkahiwalay ng jowa niyang si Vivamax sexy actress Christine Bermas. But this time, final na raw ito. 

Sa panayam ng media kay Nico nitong Huwebes, Oktubre 10, sinabi niyang final na raw ang hiwalayan nila ni Christine.

“Final na po….I don’t want to add any comments there. Para sa akin ‘pag private life, private life na talaga,” saad ni Nico.

“Pero not everybody is good they are as it seems. [...] Kung anoman ‘yong problem niya, I hope maging okay siya,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa ng host-actor: “We’re not talking.”

Gayunman, aminado si Nico na nami-miss raw niya si Christine dahil hindi naman daw ito maiiwasan. 

“I wish her the best and sana maging better person siya,” pahabol pa niya.

Matatandaang sumalang pa sa segment na "EXpecially For You" ng noontime show na "It's Showtime" sina Christine at Nico noong Mayo.

MAKI-BALITA: Nico Locco pinagpiyestahan: 'mapangwasak' at malaking 'red flag' daw