Ipinakita ng Kapamilya actor-singer na si Kyle Echarri ang kaniyang pag-aalala at pagmamahal sa yumaong kapatid na si Isabella sa pamamagitan ng pagpapalagay ng tattoo ng mata nito sa kaniyang likod.
Sa kaniyang post sa Instagram, ibinahagi ni Kyle ang larawan ng bagong tattoo at sinabing, “My angel has already been looking over her Manong for a while now… now I can say she’ll be looking over me forever.”
Si Isabella na pumanaw noong Abril 2023 dahil sa brain tumor sa edad na 12, ay naging malaking bahagi ng buhay ni Kyle, at ipinaabot niya ito sa kaniyang mga tagahanga sa unang anibersaryo ng pagkamatay ng kapatid noong Abril. “You’re the best thing that ever happened to me and I will stand by that til the day I get to see you again,” sabi ni Kyle.
Ikinatuwa ng mga netizens at kapwa celebrities ang touching tribute ni Kyle, na ipinagawa niya sa Barcelona, Spain. Ginamit ni Kyle ang classic song ni Nat King Cole, “I Love You (For Sentimental Reasons),” bilang background music sa kaniyang video post, na lalong nagpaantig sa damdamin ng kaniyang mga tagasubaybay.
Nag-uumapaw ang puso ng pagmamahal mula sa mga nagkomento sa post ni Kyle, puno ng suporta at paghanga sa kaniyang paraan ng pag-alala sa kaniyang pinakamamahal na kapatid.
Narito ang mga komento ng mga netizens na naantig sa kaniyang ginawa.
“Hey bella you havin fun watching”
“Awww Bella’s angel eye”
“So beautiful”
“Loves It”
“This is so precious and beautiful. Our dear bella, you are so loved.”
“ Love you best boy”
“I love you! The best kuyaaaaaa”