Sinuspinde ng Malacañang ang trabaho sa gobyerno at mga klase sa lahat ng antas sa Maynila at Pasay sa darating na Oktubre 14 at 15.
Ito ay dahil sa gaganaping Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Maynila mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 18.
"In the view of the numerous participants expected to travel to and within the Cities of Manila and Pasay on 14 and 15 October 2024 for the opening of APMCDRR IN PICC, and to allow the organized conduct of APMCDRR, work in government offices and classes at all levels in the Cities of Manila and Pasay shall be suspended on 14 and 15 October 2024," saad ng memorandum.
Hindi kasama sa suspensyon ang mga tanggapan na may kaugnayan sa pagbibigay ng basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities.
Samantala, ipinauubaya naman ng Malacañang sa pribadong sektor ang pagpapasya sa pagsuspinde ng trabaho.