November 25, 2024

Home BALITA Eleksyon

Willie kaya nagbago-isip sa pagkandidato: 'Kawawa mga Pilipino!'

Willie kaya nagbago-isip sa pagkandidato: 'Kawawa mga Pilipino!'
Photo Courtesy: Screenshot from One PH (YT)

Inurirat ni TV personality Gretchen Ho ang “Wil To Win” host na si Willie Revillame kaugnay sa pagbabago nito ng desisyon sa pagpasok sa politika. 

Sa panayam kasi nina Gretchen kay Willie noong Hulyo sa no-holds barred conversation na “Seryosong Usapan” kasama sina Ed Lingao, Patrick Paez at Lourd De Veyra ng TV  5, inamin ni Willie na nawawalan na raw siya ng ganang pumasok pa sa politika dahil sa kawalan ng pagkakaisa ng mga public official.

MAKI-BALITA: Willie, nawalan ng amor pumasok sa politika dahil parang walang unity

Kaya ngayon, ang tanong ni Gretchen nang sumalang si Willie sa primetime newscast na “The Big Story” nitong Martes, Oktubre 8: “Ano pong nangyari? [....] What changed your mind?”

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

“Kasi doon sa studio ng ‘Wil To Win’ it’s only 600 people everyday,” paliwanag ni Willie. “So…hindi mo natutulungan ‘yong 600 na ‘yon. So, ‘yong budget mo sa tulong limited.”

“And then no’ng nakita ko ‘yong awayan nang awayan sa congress, awayan nang awayan sa senado, sabi ko, ‘kawawa ang mga Pilipino,’” wika niya.

Dagdag pa niya: “Ito ‘yong mga taong ibinoto, ito ‘yong mga taong pinagkakatiwalaan pero nakakalimutan ‘yong mga kawawang kababayan natin.”

Kaya naman naisip niya na baka raw makatulong siya sa mga Pilipino kahit papaano.

Matatandaang humabol si Willie ng kandidatura sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections sa huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa The Manila Hotel Tent City nito ring Martes, Oktubre 8.

MAKI-BALITA: Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador