December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Paulo Avelino, unang nakatukaan ni ex-PBB housemate Jesi Corcuera

Paulo Avelino, unang nakatukaan ni ex-PBB housemate Jesi Corcuera
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Network (YT)

Inamin ni dating Pinoy Big Brother o PBB Lucky Season 7 housemate noong 2016 na si Jesi Corcuera na ang aktor na si Paulo Avelino raw ang una niyang nakahalikang lalaki.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Oktubre 8, kinumusta ni Boy ang first kiss ni Jesi kay Paulo.

“Kumusta siya ka-love team?” tanong muna ni Boy.

“Okay naman,” sagot ni Jesi. “Tropa lang kasi kami, e. Kaya ‘di nag-work siguro. First kiss ko siya sa lalaki.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Follow up naman ni Boy na tila namangha: “Kumusta?”

“Nagulat siya,” natatawang tugon ni Jesi. “Baka hanggang ngayon, ‘di pa niya makalimutan ‘yon.”

“Taray talaga, o!” hirit pa niya habang nagpe-play ang lumang video clip ng kissing scene nila ni Paulo sa LED screen.

Matatadaang bukod sa PBB Lucky Season 7, naging bahagi rin si Jesi ng "StarStruck: The Next Level" noong 2006 kung saan nga niya nakasama si Paulo at iba pa.

Sa kasalukuyan, si Jesi ay isa nang malayang transman. Ibinahagi niya noong 2021 ang pagsailalim niya sa transisyon upang makamit ang identity na gusto niya para sa sarili.

MAKI-BALITA: Dating StarStruck hopeful at PBB housemate na si Jesi Corcuera, 'malaya' na bilang transman

Pero muli niyang ginulat ang publiko nang ianunsiyo niya na buntis siya at sumailalim sa proseso ng IVF o In Vitro Fertilization.

MAKI-BALITA: Ex-PBB housemate at transman Jesi Corcuera, buntis!