October 09, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nadine inokray sa toy collection, gaya-gaya raw kay Marian

Nadine inokray sa toy collection, gaya-gaya raw kay Marian

Pinalagan ng aktres na si Nadine Samonte ang netizens na may "toxic mindset" patungkol sa kaniyang toy collection na flinex niya sa social media.

Inakusahan kasi ang aktres na gaya-gaya putomaya siya kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa nauusong pangongolekta ng Royal Molly action figures.

Nilinaw ni Nadine na bago pa man mag-trending ang posts ni Marian ay nakita na niya ang pangongolekta ng mga ganitong klaseng laruan noong nagta-travel siya.

“My first ever Royal Molly bought it in Taiwan last Aug. Nainlove agad ako the moment nakita ko sila sa night market and simula nun bumibili nko . Hindi ko plng napopost kasi gusto ko macomplete ang royal molly. Its sad lang na ang daming toxic mindset ng mga tao ngyn. Gaya gaya daw ako kay Marian and kung anu pa,” aniya sa Instagram.

Tsika at Intriga

Jen Barangan, rumesbak sa sumitang netizen; tinawag na 'concert police'

“Is it bawal na ba maging collector pag nagusthn ang isang bagay? Isang tao lang ba ang pwde mag collect at bumili? Nakilala ko ang popmart nung nasa taiwan ako at hindi ko pa nakita mga posts ni Marian nun and when i saw her posts kinilig ako kasi i fell inlove with Molly and ibang items like Skull Panda and Dimoo na din,” dagdag niya.

Nagtanong pa nga raw si Nadine kay Marian kung okay lang din mangolekta at suportado naman siya ng Kapuso star.

“She messaged back with pure happiness for me kasi nagcocollect din ako,” aniya.

Bukod kay Marian ay nag-message din si Nadine kay Kapamilya singer Jed Madela na isang toy collector din.

Kaya binanatan niya ang mga netizen na sumisita sa kaniyang pagiging toy collector. Aniya, sariling pera naman daw niya ang ipinambili niya sa mga ito kaya anong iningangalngal ng bashers?

“Tapos kayo ganyan? Sa inyo ba ako humihinge ng pangbili? Hindi naman db? So pag bumili ako ng gamit or bag, gaya gaya din ako sa mga nakabili? What a toxic mindset you guys have. Wika niya, iinisin niya ang mga bashers dahil hindi niya titigilan ang pagpo-post ng nabili niyang action figures.

“Happy collecting sa mga collectors gaya ko and sa mga toxic try nyo magcollect baka magbago ang mga pinagssbi nyo,” banat pa ni Nadine.