October 10, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kumpirmado: Troy Montero, may kumalat ngang maselang video

Kumpirmado: Troy Montero, may kumalat ngang maselang video
Photo courtesy: Troy Montero (IG/X)

Kinumpirma at hindi itinanggi ng mag-asawang Troy Montero at Aubrey Miles ang mga naging usap-usapan sa social media na umano'y may kumakalat na scandalous video ang una, na pinagpiyestahan na ng mga netizen.

Sa panayam sa kanila ng isang lokal na pahayagan habang nasa airport, natatawang sinabi ng dalawa na totoo iyon at matagal na panahon na raw iyon.

Hindi naman affected si Troy kasi nga, matagal na raw iyon, at inaamin naman niya.

Hindi naman nasabi ng mag-asawa kung ang kapartner ba ni Troy ay si Aubrey since matagal na silang mag-partner bago tuluyang nagpakasal kamakailan.

Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

Anyways, matatandaang bago si Troy ay pinagpiyestahan din muna ang maselang video ng dahilng "Gwapings" actor na si Mark Anthony Fernandez.

MAKI-BALITA: Mark Anthony Fernandez, may kumakalat na maselang video?