October 09, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jen Barangan, rumesbak sa sumitang netizen; tinawag na 'concert police'

Jen Barangan, rumesbak sa sumitang netizen; tinawag na 'concert police'

Hindi pa rin mawala-wala sa trending list ng X ang dating flight attendant-turned-social media personality na si Jen Barangan matapos sitahin ng netizens sa kaniyang "lights on recording" ng sarili habang nasa "Guts" concert ni Filipino-American singer-songwriter Olivia Rodrigo.

Humingi na ng tawad sa publiko si Barangan subalit hindi pa rin humuhupa ang "ngitngit" sa kaniya ng ilang bashers.

Makikita si Jen na habang nakatutok sa kaniya ang camera ng cellphone at inire-record ang sarili ay nakabukas naman ang ilaw sa likod, na sinita ng mga netizen na nakakaistorbo raw sa iba pang mga manonood sa concert venue.

Tila nauuso na raw ang mga ganitong ganap sa mga concert goers para lamang ipakitang nakapasok sila sa concert.

Tsika at Intriga

Nadine inokray sa toy collection, gaya-gaya raw kay Marian

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Iritang irita ako sa video ni Jen Barangan nung concert ni Olivia jusq."

"Kung ako yan sorry is not enough, hindi naenjoy nung mga nasa likod mo yung concert, malay mo once in a lifetime experience pala nila yun. Jen Barangan basic etiquette lang yan."

"biglang naging pet peeve ng lahat"

"Okay lang yan, ate jen i hope u learn from it"

"I dont understand where is all the hate coming from"

"Medyo may pag kasarcastic.. pero atleast sorry."

Matapos ma-bash, agad namang naglabas ng simpleng paghingi ng tawad si Jen sa kaniyang social media platforms.

"To everyone, I'm so sorry for my actions. Best, Jen."

Bago ang paghingi ng sorry ay pinag-usapan din ang naging sagutan nila ng isang netizen, na nagbigay sa kaniya ng unsolicited advice matapos ngang makuyog sa social media.

Mababasa sa hanash ng netizen, "So next time teh, wag ka na mag flash habang nag vi video ha? Learn better."

Tugon ni Jen na na-screenshot ng mga netizen at kumalat sa social media, "yes po concert police."

Ngunit tila palaban din ang netizen dahil sumagot pa ito, "ur welcome little ms never wants to be corrected or accepts her wrong/s."

Photo courtesy: Screenshot from Jen Barangan (IG)/via FTTM (FB)

Samantala, wala pang panibagong pahayag si Barangan sa mga patuloy na pamba-bash sa kaniyang sa social media.

MAKI-BALITA: Jen Barangan, nagsalita na sa isyu ng kawalan ng concert etiquette

MAKI-BALITA: Jen Barangan, kinuyog matapos mag-lights on recording sa Olivia Rodrigo concert