Namataan ang aktor na si Dominic Roque na kasama ang mambabatas na si Bong Suntay sa paghahain nito ng kandidatura bilang congressman ng fourth district ng Quezon City.
Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Oktubre 8, isa umano si Dominic sa mga tagasuporta ni Suntay na nahagip pa sa ibinahagi nilang larawan.
Matatandaang minsan nang nabahiran nang intriga ang ugnayang mayroon sina Suntay at Dominic matapos maiulat ang hiwalayan ng huli sa ex-fiancée nitong si Bea Alonzo.
MAKI-BALITA: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!
Kumalat ang tsikang pinaimbestigahan umano ng kampo ni Bea si Dominic at natuklasan umano ng aktres na ang condo unit na tinutuluyan nito ay pagmamay-ari umano ng isang kontrobersiyal na politiko.
MAKI-BALITA: May gay benefactor ba? Misteryo sa condo unit, kabuhayan ni Dominic inilantad
Lumalabas tuloy na may gay benefactor umano si Dominic at isa sa mga nakaladkad na pangalan sa isyung ito ay ang kay Suntay.
MAKI-BALITA: Natuklasan ni Bea: Dominic, nakatira sa condo na nakapangalan sa politiko?
Ngunit tila hindi na nakatiis pa si Dominic kaya kalaunan ay pinalagan ng kaniyang kampo ang mga malisyosong kuwento para pabulaanan ang lahat ng ito at humingi ng paumanhin sa mga taong nadawit.
MAKI-BALITA: Dominic Roque, pumalag na sa mga iniisyu sa kaniya ni Cristy Fermin