October 09, 2024

Home SHOWBIZ

Alden, Kathryn inakalang kakandidato sa trailer launch ng 'Hello, Love, Again'

Alden, Kathryn inakalang kakandidato sa trailer launch ng 'Hello, Love, Again'
Photo Courtesy: ABS-CBN News (FB)

Tila napagdiskitahan ng mga netizen ang outfit nina Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo at Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa trailer launch ng “Hello, Love, Again.”

Sa Facebook post kasi ng ABS-CBN News nitong Martes, Oktubre 8, makikita ang mga larawan nina Alden at Kathryn na tila maghahain daw ng certificate of candidcay (COC) para sa 2025 midterm elections.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Hahaha akala ko tatakbo din ung 2 to eh hahaha "

Tsika at Intriga

Jen Barangan, rumesbak sa sumitang netizen; tinawag na 'concert police'

"Akala ko COC din eh. Magwawala na talaga ko"

"San sila tatakbo? Eme"

"Pag tumakbo pa yan wala nang pag asa ang pinas dapat si john lloyd and bea nalang para may chance pa"

"Ready for election "

"Kinabahan ako. Kala ko may bago na namang party list hahaha"

"E boboto ko to sa darating na eleksyon! Laban Kat at Alden"

"Goodluck mga idol, iboboto ko po kayo sa darating na halalan."

"Ang lakas maka COMELEC "

Mapapanood na ang “Hello, Love, Again” simula Nobyembre 13 sa mga sinehan nationwide.

MAKI-BALITA: Trailer ng 'Hello, Love, Again' mapanakit; theme song, 'Palagi' nina TJ Monterde-KZ Tandingan