October 09, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tsika ni Cristy: Willie, pinayuhang 'wag kumandidato; 'di raw nakinig?

Tsika ni Cristy: Willie, pinayuhang 'wag kumandidato; 'di raw nakinig?
Photo Courtesy: Screenshot from One PH (YT), MJ Salcedo/BALITA

May itsinika ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin patungkol sa “Wil To Win” na si Willie Revillame bago nito inihain ang kandidatura sa pagkasenador.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Oktubre 8, sinabi ni Cristy na pinayuhan daw si Willie ng common friend nila na huwag nang kumandidato pa.

“Tinawagan nga siya [ng] common friend namin. Nakapagdesisyon na raw siyang [Willie] tumakbo. Sabi ko naman: ‘O, anong sabi?’ ‘Pinayuhan ko hindi naman nakikinig,’ sabi niya,” kuwento ni Cristy.

Matatandaang sa isang episode ng “Wil To Win” noong Lunes, Oktubre 7, ay humingi si Willie ng dasal sa publiko na tila pahiwatig ng kaniyang kandidatura.

Tsika at Intriga

Jen Barangan, rumesbak sa sumitang netizen; tinawag na 'concert police'

“Ito lang ang hiling ko sa inyo—itong huling oras hanggang bukas ng alas-singko—ipagdasal n'yo lang ako na gabayan ako ng Panginoong Diyos na tama ang magiging desisyon ko sa buhay,” saad ng TV host.

At ngayon nga na opisyal nang nakapaghain ng certificate of candidacy (COC) si Willie sa The Manila Hotel Tent City, nagpabaon na lang si Cristy ng mensahe sa TV host bago matapos ang kaniyang programa: “Good luck sa ‘yo kung gano’n.”

Matatandaang Enero pa lang ay naghayag na si Willie ng kahandaan niyang sumabak sa politika nang dumalo siya sa protest rally kaugnay ng "People's Initiative" na baguhin ang 1987 Constitution na ginanap sa Davao City.

MAKI-BALITA: Willie Revillame handa nang tumakbo para senador sa 2025