October 09, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Trailer ng 'Hello, Love, Again' mapanakit; theme song, 'Palagi' nina TJ Monterde-KZ Tandingan

Trailer ng 'Hello, Love, Again' mapanakit; theme song, 'Palagi' nina TJ Monterde-KZ Tandingan
Photo courtesy: Screenshots from ABs-CBN Film Productions, Inc. (Star Cinema)/FB

Sa kasagsagan ng huling araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) ngayong Martes, Oktubre 8 para sa 2025 midterm elections, lumabas na rin ang official trailer ng inaabangang "Hello, Love, Again" nina Kathryn Bernardo at Alden Richards; sequel ng second highest-grossing Filipino movie of all-time na "Hello, Love, Goodbye."

In fairness, agad na nag-trending sa X (dating Twitter) ang inilabas na trailer ng ABS-CBN Studios, Star Cinema, at GMA Pictures, kung saan, mukhang mas seryoso at mapanakit daw ang karugtong na kuwento ng pag-iibigang Joy Marie Fabregas at Ethan Del Rosario.

Mas lalo pang nasaktan ang damdamin ng mga netizen sa theme song ng pelikula, na hit song ng singer-songwriter na si TJ Monterde, ang "Palagi," pero this time, ka-duet ang misis na si Asia's Soul Supreme KZ Tandingan.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

Pelikula

'Magpasa na!' 50th MMFF, may contest para sa Student Short Films

"Ganda ng trailer!"

"OMG excited na kamiiiii"

"KathDen plus sinamahan pa ng Palagi, OMG na talagaaaaa"

"Mukhang hindi magkakatuluyan 'yong dalawa, tapos trilogy pala haha."

Mapapanood ang Hello, Love, Again sa Nobyembre 13 sa mga sinehan nationwide.