October 08, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jen Barangan, nagsalita na sa isyu ng kawalan ng concert etiquette

Jen Barangan, nagsalita na sa isyu ng kawalan ng concert etiquette
Photo courtesy: Screenshot from Jen Barangan (Tiktok)

Humingi na ng tawad sa publiko ang dating flight attendant-turned-content creator na si Jen Barangan sa mga sumita sa kaniya matapos ang kawalan umano niya ng "concert etiquette" habang nanonood ng "GUTS" concert ni Filipino-American singer-songwriter Olivia Rodrigo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Makikita si Jen na habang nakatutok sa kaniya ang camera ng cellphone at inire-record ang sariling kumakanta at sinasabayan si Olivia ay nakabukas naman ang ilaw sa likod, na sinita ng mga netizen na nakakaistorbo raw sa iba pang mga manonood sa concert venue.

Tila nauuso na raw ang mga ganitong ganap sa mga concert goers para lamang ipakitang nakapasok sila sa concert.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

Tsika at Intriga

Jen Barangan, kinuyog matapos mag-lights on recording sa Olivia Rodrigo concert

"Iritang irita ako sa video ni Jen Barangan nung concert ni Olivia jusq."

"Kung ako yan sorry is not enough, hindi naenjoy nung mga nasa likod mo yung concert, malay mo once in a lifetime experience pala nila yun. Jen Barangan basic etiquette lang yan."

"biglang naging pet peeve ng lahat"

"Okay lang yan, ate jen i hope u learn from it"

"I dont understand where is all the hate coming from"

"Medyo may pag kasarcastic.. pero atleast sorry."

Matapos ma-bash, agad namang naglabas ng simpleng paghingi ng tawad si Jen sa kaniyang social media platforms.

"To everyone, I'm so sorry for my actions. Best, Jen."

MAKI-BALITA: Jen Barangan, kinuyog matapos mag-lights on recording sa Olivia Rodrigo concert