October 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Great leader is a man who can lead his family:' Robin, Aljur sapul sa hanash ni Kylie?

'Great leader is a man who can lead his family:' Robin, Aljur sapul sa hanash ni Kylie?
Photo Courtesy: Aljur Abrenica,Kylie Padilla,Robin Padilla (FB)

Inintriga ng mga netizen ang makahulugang post ni Kapuso actress Kylie Padilla tungkol sa umano’y good indicator ng isang great leader.

Sa Facebook post ni Kylie nitong Lunes, Oktubre 7, sinabi niya na ang great leader daw ay ang tao na kayang pamunuan ang kaniyang pamilya.

“A good indicator of a great leader is a man who can lead his family. That is his first unit, his first community,” saad ni Kylie. 

“A man who raises his kids with good values, integrity and humility. A man loyal to his wife and remains true despite obstacles. A man who has a heart close to God,” aniya.

Tsika at Intriga

Heart Evangelista, nagsalita na sa 'hidwaan' nila ni Pia Wurtzbach

Dagdag pa ng aktres: “Service is about what you can do for others, not what they can do for you.”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: 

"Ang tunay na lalaki sa pamilya muna mag serbisyo at maging mabuting impluwensya sa mga anak, at may respeto sa asawa... kung dun pa lng failed na. Panu pa kaya sa kinasasakupan.."

"Tell that to your father"

"kylie throwing shades, well said kylie"

"Yes! Absolutely"

"Applicable din to sa tatay mo sis"

"Sa True .. kung PamilYa palang naLigwak na what more sa mamamayan hehe"

"Hugs kylie, i feel you! Cheers to all single moms "

"This statement impacts both Aljur and her father. The nerve. "

"I-tag ko ba?"

Matatandaang naghain ng certificate of candidacy (COC) para sa pagkakonsehal sa Angeles City, Pampanga ang estranged husband ni Kylie na si Aljur Abrenica.

Kasalukuyan namang senador ng Pilipinas ang ama niyang si Robin Padilla.

MAKI-BALITA: Pagtakbong konsehal ni Aljur Abrenica, 'give back' sa mga taga-Angeles City