November 10, 2024

Home BALITA Eleksyon

Ex-Pres. Duterte, babawiin kandidatura bilang alkalde ng Davao City; tatakbo umanong senador

Ex-Pres. Duterte, babawiin kandidatura bilang alkalde ng Davao City; tatakbo umanong senador
photo courtesy: SMNI News/FB, Sen. Bong Go/FB

Babawiin umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-alkalde sa Davao City at nagbabadyang tumakbo umano bilang senador sa 2025 midterm elections.

Matatandaang nitong Lunes, Oktubre 7, nang ihain ni Duterte ang kaniyang COC sa pagka-alkalde sa Davao City.

Ayon sa ulat ni Deo Macalma ng DZRH news ngayong Martes, Oktubre 8, huling araw ng filing, inaasahan umanong maghahain ng COC sa pagkasenador si Duterte mamayang 2:00 PM sa The Manila Hotel Tent City.

Dagdag pa ng ulat makakasama umano ni Duterte si dating labor secretary at MECO chair Silvestre Bello III, na pawang tatakbo rin umano bilang senador.

Eleksyon

Mula WPP: Apollo Quiboloy, nais nang tumakbong senador bilang ‘independent’

Naunang sinabi ng dating pangulo noong Oktubre 5 na hindi na niya kayang tumakbong senador dahil na rin umano sa kaniyang edad na 73. 

"Kilala ninyo naman ako, I've been a mayor for so many years now. You think that I can carry a national campaign at my age or you want me to die? Magco-collapse na ako niyan e,” pahayag ni Duterte sa isang press conference sa Davao City.

BASAHIN:  Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

SAMANTALA, kung sakaling tototo ang pagtakbo ni Duterte bilang senador, makakalaban niya ang mga kaalyado niyang sina Senador Bato Dela Rosa, Senador Bong Go, at aktor na si Philip Salvador.