October 08, 2024

Home BALITA Eleksyon

Atty. Kiko, pinasalamatan si Sharon sa walang patid na suporta

Atty. Kiko, pinasalamatan si Sharon sa walang patid na suporta
Photo Courtesy: Screenshots from Kiko Pangilinan (X)

Nagpaabot ng maikling mensahe si dating senador Atty. Francis “Kiko” Pangilinan para sa misis niyang si Megastar Sharon Cuneta.

Sa X post ni Pangilinan nitong Lunes, Oktubre 7, pinasalamatan niya ang asawa dahil sa walang patid nitong suporta sa bawat labang kinakaharap niya.

Ayon sa dating senador: “Ang lahat ng laban gumagaan kapag may katuwang.”

“Salamat sa aking kabiyak sa walang-patid na suporta at pagsama sa pagpapatuloy ng ating laban,” dugtong pa niya.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Nakapaghain na ng kandidatura sa pagkasenador si Pangilinan ngayong huling araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) sa The Manila Hotel Tent City.

Matatandaang noong Setyembre ay nangako ang dating senador na iaalay umano niya ang kaniyang puso at tapang para sa bayan matapos ibigay ng Liberal Party (LP) ang tiwala sa kaniya bilang kinatawan ng partido sa senado.

MAKI-BALITA: Kiko sa pagtakbong senador: 'Inaalay ko nang buong tapang, buong puso para sa bayan!'