October 07, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Private outdoor pa raw! Kris Aquino, ikinasal na sa non-showbiz boyfriend?

Private outdoor pa raw! Kris Aquino, ikinasal na sa non-showbiz boyfriend?
Photo courtesy: via Dindo Balares (IG)

Nagsalita na ang kaibigang journalist ni Queen of All Media Kris Aquino na si Dindo Balares patungkol sa mga kumakalat na tsikang ikinasal na raw ang una sa kaniyang non-showbiz boyfriend na isang doktor.

Kumakalat kasi ang mga larawan ng isang tila private outdoor wedding na venue raw ng kasal nina Krissy at ng jowang doktor.

Ngunit mula mismo kay Balares, fake news ang kasal daw ng friend niya sa jowa nito.

"FAKE NEWS"

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

"Maraming salamat po sa media friends na nagpapadala ng link at nagtatanong kung totoo o hindi."

"Pakiabangan po ang detalye," mababasa sa Instagram post ni Balares.

Sa isa pang Instagram post, ibinahagi na mismo ni Balares ang naging tugon ni Krisy nang siya na mismo ang magtanong tungkol dito.

"Hello Krisy! As much as possible, ayaw kong iniistorbo ka. Pero dumadami ang nagtatanong na media friends. Gusto mo bang sagutin ko?" tanong niya sa kaibigan.

Sagot ni Kris, "Kuya Dindo, the best answer to that fake news is how can your panganay who has adult onset asthma and has publicly admitted to having Chronic Spontaneous Urticaria and is currently undergoing treatment that makes her extra sensitive to direct sun exposure and as you yourself know sobrang allergic ako sa mga dahon ng puno (trigger ng allergic rhinitis and asthma for me) especially grass as in damuhan - does it make sense na pipili ako ng outdoor venue? Na punung-puno ng halaman? Hindi lang ako ang may asthma, si Bimb also has asthma."

"Kuya Dindo, kung totoong kilala ako nu'ng nag-scoop nito alam niya dapat 'yung alam na alam mo -- hindi friend ng respiratory system ko ang mga puno at lalo na ang grass, kahit nga astroturf bawal because maraming alikabok na puwedeng ma-collect."

Nagbanggit pa si Kris na bukod kay Balares, ang isa pang credible source tungkol sa kaniya ay si showbiz insider Ogie Diaz.

"Dapat maniwala lang sila kung ikaw or si Pareng Ogie (Diaz) ang mag-“giveaway” na blind item," ayon pa kay Kris.