October 07, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Nathalie Hart, hiwalay na sa afam na mister: 'Hindi nag-work out!'

Nathalie Hart, hiwalay na sa afam na mister: 'Hindi nag-work out!'
Photo Courtesy: Nathalie Hart (IG), Nice Print Photo (IG) via GMA

Isiniwalat ng aktres na si Nathalie Hart na hiwalay na raw sila ng mister niyang Australian na si Brad Robert.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, sinabi ni Nathalie na kaya raw siya nawala pansamantala sa showbiz ay dahil nag-asawa raw siya.

"Nag-asawa ako kaya bigla akong nawawala," saad ni Nathalie. "Unfortunately, hindi nag-work out [ang marriage]—the reason why I was gone last year."

"Sabi ko: 'Ay, tutal hindi naman nag-work out, babalik na lang ako sa Pilipinas, may gagawin naman ako.’ That’s why I am back," aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Kiko, nahirapan nga bang makarelasyon si Sharon?

Ayon pa sa ulat, wala raw eksaktong petsa na binanggit si Nathalie kung kailan nangyari ang hiwalayan ngunit tila nasa moving on stage na umano ang aktres.

Sa kasalukuyan, nasa ilalim si Nathalie ng Viva Artist Agency at masaya raw siyang nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho ang nasabing talent management agency.