October 07, 2024

Home SHOWBIZ

'May nanalo na!' Alden Richards, flinex ng ina ni Kathryn Bernardo

'May nanalo na!' Alden Richards, flinex ng ina ni Kathryn Bernardo
Photo Courtesy: Screenshots from Min Bernardo (IG)

Tila unti-unti na talagang napapalapit si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa pamilya ng “Hello, Love, Again” co-star niyang si Kathryn Bernardo.

Sa latest Instagram post kasi ni Min Bernardo, mommy ni Kathryn, nitong Linggo, Oktubre 6, ibinahagi niya ang isang video kung saan matutunghayan ang bonding moments ng pamilya kasama si Alden.

“#HelloLoveAgain …thanks tita Kath and tito Tisoy for QQ’s first mallshow experience…. ‘til next!” saad ni Min sa caption.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa KathDen fans ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento:

Tsika at Intriga

Awra Briguela, inawra pagbabalik-eskwela; umani ng reaksiyon sa netizens

"Ay opo, tapos na po ang laban. Di na kami"

"You are so sweet, Tita Min, so as your whole family. See you on the next one, baby QQ. "

"Ayieeeehhh! My heart. "

"Omg my KATHDEN couple for life "

"Ay opo, tapos na po ang laban. Di na kami lalaban."

"May nanalo na Hahaha Kathden "

"OMG END GAME MY KATHDEN HEART "

"Tapos na ang laban, himlay na malala.#KaSoy #KathDen"

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 38.6k likes, 1,267 comments, at 581k views ang nasabing video.