October 07, 2024

Home BALITA

'Mauubos lang ang oras ko:' Leila De Lima, iisnabin na lang mga basher

'Mauubos lang ang oras ko:' Leila De Lima, iisnabin na lang mga basher
Photo Courtesy: Leila De Lima (FB)

Nagbigay ng tugon si dating senador Atty. Leila De Lima kaugnay sa mga basher na pumuputakti sa kaniyang pagkatao.

Sa video clip na ibinahagi ni De Lima nitong Lunes, Oktubre 7, sinabi niyang hindi na lang daw niya papansinin ang mga bumabatikos sa kaniya.

“Iisnabin ko na lang ‘yan,” saad ni De Lima. “Hindi ko na lang papansinin. Mauubos lang ‘yong oras ko; ‘yong pagod ko; ‘yong pawis ko; and ‘yong emotions ‘di ba?”

Ayon kay De Lima, nasanay na raw siyang makatanggap ng mga batikos mula sa iba’t ibang tao.

Eleksyon

'Umpisa na ang himagsikan!' Sam Verzosa, tatakbong mayor ng Maynila

“Nasanay na po ako do’n. Although nakikita ko naman, konti na lang sila,” aniya.

Matatandaang kamakailan lang ay tinanggap na ni De Lima ang alok na maging lead nominee ng Mamamayang Liberal (ML) Party-list para sa 2025 midterm elections.

MAKI-BALITA: 'Babalik na sa politika!' De Lima, lead nominee ng Mamamayang Liberal party-list