October 07, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend
Photo courtesy: Kris Aquino (FB)/Dindo Balares (IG)

Nagsalita na si Queen of All Media Kris Aquino para klaruhin ang mga kumakalat na tsikang ikinasal na sila ng kaniyang non-showbiz boyfriend sa pamamagitan ng isang intimate at private outdoor wedding.

Ipinahatid ni Krisy ang kaniyang sagot sa kaibigang journalist na si Dindo Balares, na ipinost naman ng huli sa kaniyang Instagram account.

"FAKE NEWS"

"Maraming salamat po sa media friends na nagpapadala ng link at nagtatanong kung totoo o hindi."

Tsika at Intriga

Private outdoor pa raw! Kris Aquino, ikinasal na sa non-showbiz boyfriend?

"Pakiabangan po ang detalye," mababasa sa Instagram post ni Balares. Kalakip ng post ang dalawang larawang pinagdugtong kung saan makikita si Kris at ang sinasabing boyfriend niya habang nasa loob sila ng eroplano. Sinasabing ang nabanggit na larawan ay kuha nang umuwi si Kris sa Pilipinas kamakailan.

Ang pangalawang larawan naman ay ang sinasabing wedding venue, na naka-set up sa mapunong lugar.

Sa isa pang Instagram post, ibinahagi na mismo ni Balares ang naging tugon ni Krisy nang siya na mismo ang magtanong tungkol dito.

"Hello Krisy! As much as possible, ayaw kong iniistorbo ka. Pero dumadami ang nagtatanong na media friends. Gusto mo bang sagutin ko?" tanong niya sa kaibigan.

Sagot ni Kris, "Kuya Dindo, the best answer to that fake news is how can your panganay who has adult onset asthma and has publicly admitted to having Chronic Spontaneous Urticaria and is currently undergoing treatment that makes her extra sensitive to direct sun exposure and as you yourself know sobrang allergic ako sa mga dahon ng puno (trigger ng allergic rhinitis and asthma for me) especially grass as in damuhan - does it make sense na pipili ako ng outdoor venue? Na punung-puno ng halaman? Hindi lang ako ang may asthma, si Bimb also has asthma."

"Kuya Dindo, kung totoong kilala ako nu'ng nag-scoop nito alam niya dapat 'yung alam na alam mo -- hindi friend ng respiratory system ko ang mga puno at lalo na ang grass, kahit nga astroturf bawal because maraming alikabok na puwedeng ma-collect."

Nagbanggit pa si Kris na bukod kay Balares, ang isa pang credible source tungkol sa kaniya ay si showbiz insider Ogie Diaz.

"Dapat maniwala lang sila kung ikaw or si Pareng Ogie (Diaz) ang mag-“giveaway” na blind item," ayon pa kay Kris.

MAKI-BALITA: Private outdoor pa raw! Kris Aquino, ikinasal na sa non-showbiz boyfriend?