October 07, 2024

Home SHOWBIZ

Kiko Pangilinan, madalas makadiskusyon mga anak: 'Gano'n talaga'

Kiko Pangilinan, madalas makadiskusyon mga anak: 'Gano'n talaga'
Photo Courtesy: Screenshot from Berndette Sembrano (YT)

Aminado si dating senador Francis “Kiko” Pangilinan na nakakadiskusyunan umano niya ang kaniyang mga anak ngayong may mga sarili na itong pag-iisip.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano kamakailan, napag-usapan ang tungkol sa mga anak ni Kiko at kung paano niya hina-handle ang mga ito. 

“Ngayon na malalaki na sila, they speak their own mind. They’re very opinionated. Papa’no ‘yong diskusyon ninyo? Do you also get into the arguments?”

“Oo,” sagot ni Kiko. “But I reassure them my father and I are the same. Magtataasan kami ng boses. Pero gano’n talaga. You speak your mind.”

Tsika at Intriga

Chloe, nakaranas daw ng domestic violence sa madir kaya naglayas sa poder niya!

“But never disrespect,” dugtong pa niya.

Hindi rin naiwasang itanong kay Kiko ang tungkol sa umano’y away nina Sharon at anak nito kay Gabby Concepcion na si KC Concepcion na madalas ay lumalabas sa publiko.

“How do you deal with those things?” usisa ni Bernadette.

“Kailangan mo laging i-present both sides as best as you can. Ano bang pinanggalingan?” sagot ni Kiko.

Matatandaang sa isang episode ng “Showbiz Now Na” noong Mayo ay isiniwalat ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang ugat ng umano’y malalim na gusot sa relasyon ng mag-ina ay ang naiwalang gamit umano ni KC.

MAKI-BALITA: Naiwalang gamit ni KC Concepcion, ugat ng malalim na gusot nila ng ina?