October 07, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Awra Briguela, inawra pagbabalik-eskwela; umani ng reaksiyon sa netizens

Awra Briguela, inawra pagbabalik-eskwela; umani ng reaksiyon sa netizens
Photo Courtesy: Awra Briguela (IG)

Matapos ang kaniyang showbiz stint, muling ipinakita ng komedyanteng si Awra Briguela ang kaniyang dedikasyon sa edukasyon sa pamamagitan ng pagbabalik-eskwela.

Sa isang Instagram post na ibinahagi niya, makikita si Awra na suot ang ID lace na may tatak ng University of the East, na labis na ikinatuwa ng kaniyang mga tagahanga. Kasama rin sa kaniyang post ang isang IG reel kung saan suot niya ang kanyang school uniform, na umani ng papuri mula sa netizens.

Bagamat wala siyang kasalukuyang TV show, patuloy na aktibo si Awra sa social media at sinusubaybayan pa rin ng kaniyang mga tagasubaybay. Ang kaniyang desisyong ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng kaniyang pagiging kilala ay pinuri ng marami, na nagsasabing ito ay magandang ehemplo sa mga kabataan.

Bagama't may ilang mga pumuri, may ilan ding pinuna ang pagsusuot niya ng skirt o pagko-cross dress. 

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

“nice let’s go UE Red Warriors”

“I have no issues for u being gay. But, you should wear a proper uniform according to your sexuality. Just saying. No prejudice.”

“Universities should imposed proper decorum for students. You can be whomever you want to be but c’mon this is sh!ty to be honest. You will never be respected!”

“Pinakamagandang estudyante sa ubelt, periodt”

“hard work hard work! All so so proud! U inspire me”

“Non sectarian ang UE. So normal yun. UE Alumni here. Students have liberty to dress any uniform you prefer along you have the schools color. Its been decades like this. Love love.”

“PURRRRRRR GET THAT DEGREEEE MAAM”

Si Awra ay unang nakilala matapos mag-viral ang kanyang videos sa social media, na nagbukas ng mga oportunidad sa kaniya sa showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin. Siya ay naging bahagi ng teleseryeng FPJ's Ang Probinsiyano at lumabas din sa mga pelikula ni Vice Ganda, tulad ng The Super Parental Guardians.

Nasangkot din si Awra sa iba't ibang kontrobersiya, at ang latest nga, ang insidente sa bar sa Poblacion, Makati. 

MAKI-BALITA: Awra Briguela muling nagparamdam sa socmed matapos ang kinasangkutang isyu

Nakulong si Awra subalit nakapagpiyansa rin.

MAKI-BALITA: Hontiveros, pinaiimbestigahan pagkaaresto kay Awra; nanawagang ipasa SOGIE Equality bill

Nagsampa rin siya ng kontra-demanda sa nakaalitang lalaki sa bar.

MAKI-BALITA: Awra nagsampa ng kontra-demanda laban sa nakaalitan sa bar

Mariah Ang