December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Atty. Kiko sa pagiging queer ni Miel: 'You just have to accept'

Atty. Kiko sa pagiging queer ni Miel: 'You just have to accept'
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT)

Nagbigay ng reaksiyon si dating senador Francis “Kiko” Pangilinan kaugnay sa gender identity ng anak niyang si Miel Pangilinan.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano kamakailan, sinabi ni Kiko na tanggap daw niya si Miel at sinusuportahan.

“Si Miel naman, queer. How do you deal with that? Iba ‘yong panahon natin?” usisa ni Bernadette.

“Totoo,” sagot ng dating senador. “Pero gano’n. You just have to accept, support. Be there for them.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Because the other side of the coin is if you don’t, then you alienate yourself from your children which is worse,” dutong pa niya.

Matatandaang nauna nang inilantad ni Miel ang gender niya sa mismo ring Pride Month noong Hunyo 2022 sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Anak nina Shawie at Kiko na si Miel Pangilinan, proud member ng LGBTQIA+ community