November 05, 2024

Home BALITA National

Ex-Pres. Duterte sa mga kriminal sa Davao City: ‘Find another place!’

Ex-Pres. Duterte sa mga kriminal sa Davao City: ‘Find another place!’
Dating Pangulong Rodrigo Duterte (file photo)

Matapos niyang ianunsyo na tatakbo siyang muli bilang mayor ng Davao City, binalaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kriminal, lalo na raw ang mga sangkot sa ilegal na droga, na umalis na umano sa lungsod kung ayaw nilang humarap sa “consequences.”

Sa isang press conference nitong Sabado, Oktubre 5, na inulat ng Manila Bulletin, iginiit ni Duterte na malawak ang Pilipinas na maaaring lipatan ng mga kriminal, kaya’t lumipat na umano sila at huwag pumunta sa Davao City. 

“Find another place. The Philippines is vast. There’s Cebu or Manila. Do not come to Davao City because if I become the mayor, you will face serious consequences,” ani Duterte.

“When I say do not come here, it is because I do not want drugs or kidnapping or any other illegal activities on my turf. Let Davao City bloom on its own. The people here have no problems. I grew up in this city, so do not f**k with me,” dagdag pa niya.

National

Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test

Saad pa ng dating pangulo, makikipag-ugnayan umano siya sa human rights organizations at hihilingin sa kanila na tanggalin ang mga sangkot sa mga krimen. 

“Here in Davao, we work so that our children can study with the hope that when we grow old and eventually pass away, the next generation of Davaoeños will take over. I will never allow Davao City to be taken care of by irresponsible people. That will never happen,” giit ni Duterte.

Sa naturang press conference ay inihayag ni Duterte ang kaniyang pagtakbo umanong muli bilang alkalde ng Davao City habang ang anak naman niyang si incumbent Mayor Sebastian "Baste" Duterte ay tatakbong vice mayor.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?