October 06, 2024

Home SHOWBIZ

Enrique Gil, tinabangan na nga ba dahil di tumabo sa takilya comeback movie?

Enrique Gil, tinabangan na nga ba dahil di tumabo sa takilya comeback movie?
Photo courtesy: Screenshot from Black Sheep (FB)

Naging usapan sa isang episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update" ang Kapamilya star na si Enrique Gil matapos mabalitaan ni showbiz insider Ogie Diaz na tila nawalan na raw ng ganang tumanggap ng proyekto ang aktor matapos ang medyo hindi raw pagtabo sa takilya ng kaniyang comeback movie na "I Am Not Big Bird."

MAKI-BALITA: Ihanda ang mga kiffy! 'Big Bird' ni Enrique bubuyangyang na

Matatandaang ang nabanggit na pelikula ang isa sa mga pa-comeback ni Enrique sa ABS-CBN matapos ang matagal-tagal na hiatus, nang samahan niya ang girlfriend na si Liza Soberano sa Amerika upang tuparin ang dream nito pagdating sa kaniyang international career. Nang mga sandaling iyon ay nasa ilalim pa siya ng Careless management, na pagmamay-ari ni James Reid, at natsi-tsismis na jowang si Jeffrey Oh, na later on ay nagka-falling out kay James.

MAKI-BALITA: Enrique Gil itinuturing na 'home' ang ABS-CBN; handa na sa 'new path'

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Anyway, how true ang nakarating na tsika kay Ogie na pagkatapos nga raw ng pelikula ay tinabangan na si Quen na tumanggap ng proyekto sa ABS-CBN, gayong kapipirma lang niya ng kontrata dito noong Abril?

Dapat nga raw ay kasama siya sa nilulutong seryeng "Incognito" kasama sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Anthony Jennings, Maris Racal, Kaila Estrada, at Daniel Padilla.

Hindi raw masyadong visible ngayon ang aktor na napababalita ring abala sa isang pelikulang isasabak sa Metro Manila Film Festival. Pero ang nakarating nga raw kay Ogie, tila nalungkot si Quen sa paglaylay sa box-office ng kaniyang pelikula na co-producer pa mandin siya, at siyempre, ginawa pa sa ibang bansa.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Enrique patungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.