October 06, 2024

Home SHOWBIZ

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo
Photo courtesy: Elijah Canlas (IG)

Isang sweet message ang bitbit ng Kapamilya young actor na si Elijah Canlas sa panonood niya ng GUTS world tour ni Fil-Am singer Olivia Rodrigo, nitong Sabado, Oktubre 5, 2024 sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan. 

Sa isang Instagram post na ibinahagi ni Elijah nitong Sabado pa rin, makikitang hawak niya ang larawan ng yumaong nakababatang kapatid na si JM habang nasa labas ng arena.“Just JM and I for the Olivia Rodrigo concert tonight. JM was so obsessed with Olivia- he literally had his own corner of Olivia merch at home,” saad ni Elijah sa simula ng kaniyang Ig story.

Bahagya ring ikinuwento ng aktor kung paano nila sinusuportahan ng kapatid ang career ni Olivia magmula pa noon.“He even made me watch the disney shows she starred in, that’s also why I know most of her songs,” ani Elijah.

Tila isang pahayag naman ni Elijah ang nakakuha sa atensyon ng netizens matapos niyang ibahagi may pangako umano kay JM na dadalhin pa sana niya ang kapatid sa concert ni Olivia. 

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“He made me promise to take him to an Olivia Rodrigo concert someday. Oo na… magaling na Olivia mo, JM. Miss kita!” giit ng aktor.

Matatandaang noong Agosto 2023 nang ginulantang ng biglaang pagpanaw ni JM, 17-anyos ang netizens matapos din umugong ang bali-balitang mental health umano ang naging dahilan ng undisclosed caused of death ni JM. 

Tinapos ni JM ang kaniyang IG story sa isang emosyonal na pahayag. “Kahit mag-isa lang ako kanina at may kaunting buhos ng luha, ramdam kitang sumasabay sa bawat kanta, nakangiting tumatalon at tunay na maligaya. Hope you had fun!” saad  ni Elijah.

Kate Garcia