November 24, 2024

Home BALITA National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Linggo ng madaling araw, Oktubre 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:22 ng madaling araw. 

Namataan ang epicenter nito 12 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Lupon, Davao Oriental, na may lalim na 19 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Magsaysay at Matanao, DAVAO DEL SUR; Tupi, SOUTH COTABATO; Magpet, COTABATO.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.