October 06, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?

'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?
Photo courtesy: Jackie Gonzaga (FB)/Vice Ganda via Manila Bulletin

Nawindang ang "It's Showtime" host na si Jackie Gonzaga sa mga tanong ng netizens kung totoo ba ang tsikang buntis siya at ang ama ay si Ion Perez na "asawa" ng kaniyang manager at co-host na si Vice Ganda.

Sa TikTok livestream ni Ate Girl, natawa na lamang si Jackie nang uriratin siya ng mga netizen patungkol dito. Natawa rin ang mga kasama niyang kaibigan sa livestream.

"Adik ba kayo? Tigilan n'yo bisyo n'yo ah," nasabi na lamang ni Ate Girl at binanatan ang trolls at fake news peddlers na ginagawang content ang mga kasinungalingan.

"Kadiri mga isyu n'yo! Kadiri mga taong naniniwala sa fake news," saad pa ni Jackie.

Tsika at Intriga

Ex-PBB housemate at transman Jesi Corcuera, buntis!

Galing na mismo kay Jackie ang paglilinaw na hindi siya buntis, at lalong hindi si Ion ang ama. 

Buti nga't pasimpleng winalis ni Jackie ang mga ganitong isyu patungkol sa kaniya, at wala naman siyang sinabing magsasampa ng kaso sa mga nagpapakalat ng mga ganitong fake news.

Pero nagbigay siya ng babala sa publiko na huwag agad-agad maniniwala sa mga nababasa online. 

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Ion o ni Vice Ganda tungkol sa isyu.