December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Andrea, pumalag sa bintang na VIP treatment siya sa Olivia Rodrigo concert

Andrea, pumalag sa bintang na VIP treatment siya sa Olivia Rodrigo concert
Photo courtesy: Andrea Brillantes (FB/IG)/Olivia Rodrigo (FB)

Nilinaw ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes na hindi siya nagpa-VIP (Very Important Person) treatment sa naganap na "GUTS World Tour" concert ni Filipino-American singer-songwriter Olivia Rodrigo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan nitong Sabado, Oktubre 5.

May mga nang-aakusa kasi kay Blythe na nagpa-VIP treatment siya para makaupo sa front seat ng concert.

Sa kaniyang Instagram stories, sinabi ni Andrea na hindi siya nagpa-VIP, bagkus ay maaga siyang nagpunta sa concert venue.

"I was the first one to line up sa que number lane namin omg HABABAHAHAHAHAHAHA," mababasa sa text caption ni Andrea.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Bagay na pinalagan naman ng concert goers at netizens, kaya agad na naglabas ng paglilinaw si Andrea.

"Oopsiee- I just realized I worded that poorly, and it came off as me bragging about my spot," aniya.

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

"But y'all got it wrongggg:/ what I meant to say was sa aga ko pumila kaninang umaga I ended up first in line in my queue number lane. Kaya ako lang tao nandun bc I lined up very early for it :) it wasn't VIP treatment or anything magical," paliwanag pa niya.