October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya
Photo Courtesy: Ria Atayde (IG)

Ibinahagi ng aktres na si Ria Atayde ang umano’y top 10 favorite parts ng kaniyang araw sa pamamagitan ng isang Instagram story.

Sa nasabing IG story nitong Biyernes, Oktubre 4, matutunghayan ang video ng mister niyang si Zanjoe Marudo habang karga ang kanilang bagong silang na anak.

“[Zanjoe Marudo,] top 10 fave parts of my day: seeing you have sun time with our son,” saad ni Ria sa text caption ng IG story.

Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi naman ng aktres ang favorite role ngayon ng kaniyang asawa sa pamamagitan din ng isang IG story.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

MAKI-BALITA: Ria Atayde, ibinida favorite role ngayon ng mister na si Zanjoe Marudo

Ito ay matapos ianunsiyo ni Zanjoe sa kaniyang Facebook post na nailabas na noong Setyembre 23 ang panganay nila ni Ria.

MAKI-BALITA: Ria Atayde, isinilang na panganay nila ni Zanjoe Marudo

Bandang Hunyo nang kumpirmahin ni Ria sa publiko na magiging tatay na umano si Zanjoe. Ikinasal naman silang dalawa noong Marso.

MAKI-BALITA: Ria, kinumpirmang magiging tatay na si Zanjoe

MAKI-BALITA: Ria Atayde, Zanjoe Marudo ikinasal na!