October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Integrated News (YT)

Nausisa ang real-score nina Kobe Paras at Kyline Alcantara na kasalukuyang iniintrigang nagkakamabutihan umano sa isa’t isa.

Sa ulat ni GMA news reporter Lhar Santiago nitong Biyernes, Oktubre 4, naurirat nga niya ang “rumored couple” na sina Kyline at Kobe tungkol sa real-score ng dalawa habang nasa short vacation sa Infanta, Quezon.

“Three points,” pabirong sagot ni Kyline. “Ako naman po, ang lagi kong sagot diyan is what you see is what you get.”

“Again, sinabi ko na before. It’s not my responsibility to…confirm or deny anything,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Pero agaw naman ni Kobe: “Ako po sasagot po ako. Sasagot ako. Mayro’n akong famous quote. So we’re just friends.”

Matatandaang nagsimula ang intrigang may relasyon ang dalawa dahil sa Instagram story at post nina Kyline at Kobe noong Mayo na tila pahiwatig na sila ay magkasama sa iisang lugar.

MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, Kobe Paras iniintrigang magkasama sa iisang lugar