October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens

'Kapal ng pagmumukha!' Appreciation post ni Aljur kay AJ, pinutakti ng netizens
Photo Courtesy: Aljur Abrenica (IG)

Nagbigay ng mensahe ang aktor na si Aljur Abrenica para sa jowa niyang si AJ Raval.

Sa isang Instagram post ni Aljur noong Biyernes, Oktubre 4, pinasalamatan niya si AJ sa pagyakap nito sa bawat bahagi ng kaniyang sarili.

“Thank you for embracing every part of me. Your unconditional love reminds me every day that being myself is enough,” saad ni Aljur.

Dagdag pa ng aktor: “I’m so grateful to have you by my side, celebrating our beautiful journey together.”

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Pero tila karamihan sa mga netizen ay hindi kumbinsido sa mga sinabi ni Aljur kay AJ. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Iniwan ang Asawa at dalawang anak.kagaling"

"HINDI BA GANYAN SI KYLIE SAYO?"

"Same feeling with Kylie before and it fades."

"kapal ng pagmumuka."

"Beautiful journey? Lmao! Y’all kidding yourself! "

"Mas pinili ang ibang babae kaisa ayusin ang pamilya mga lalake talaga"

"Inayos mo sana family mo"

"Kylie parin ako."

Matatandaang naging sentro ng kontrobersiya si AJ matapos niyang makipagrelasyon kay Aljur na kasal at may anak sa aktres na si Kylie Padilla. 

Pero nilinaw ng Vivamax star na saka lang umano siya pumasok sa buhay ni Aljur noong hiwalay na ang huli sa estranged wife nito.

MAKI-BALITA: 'Ikamatay man daw ng pamilya niya!' AJ hindi raw kabit ni Aljur noon

MAKI-BALITA: ‘May yakap pa!’ Aljur pinatikim ng luto ni AJ