October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?
Photo courtesy: Heart Evangelista (IG)

Usap-usapan ang pagiging emosyunal ni Kapuso star at fashion socialite Heart Evangelista sa pagtatapos ng kaniyang Paris Fashion Week journey, na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account.

Ibinida ni Heart ang ilang masasayang ganap at tagpo sa nabanggit na fashion week, kasama nga ang kaniyang bagong glam team, na naging kontrobersiyal sa kaniya matapos ang hindi nila pagkakaunawaan ng mga dating glam team, partikular sa mga dating make-up artist at hairstylist, na sina Justin Soriano at Jeck Aguilar.

"For everything has a reason …:) trust that all is always for the best forever gratefulto be blessed by every single one of YOU," mababasa sa caption ng post.

Nagpamudmod ng kape si Heart sa photographers mula sa iba't ibang lahi, na nagpasalamat naman sa kaniyang generosity.

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

Sa bandang dulo ng kaniyang "mini vlog" ay naging emosyunal na si Heart matapos na tila "manumbalik" sa kaniya ang nakaraan habang nasa isang spot na kitang-kita ang maliwanag na Eiffel Tower.

"We’ll always fight for you no matter what. We’ll fight for you dear, no matter what. Maniwala ka sa amin. Iba kami," saad ng taga Sparkle GMA Artist Center na napag-alamang si Kristine Lesaca.

Sey naman ng umiiyak na si Heart, naging emosyunal siya dahil naalala niya na noong mga nakalipas na taon ay ibang grupo ang kasama niya sa nabanggit na spot.

Nagdasal daw siya kay Jesus Christ na sana, kung may mga pagkukulang man daw siya sa mga dating kasama, ay hindi niya maiparanas sa bagong glam team.

"Kaya parang sabi ko, in Jesus’ name, sana kung meron akong pagkukulang sa nakaraan ko, sana talagang mabigay ko sa inyo kasi I really want you guys to be happy," umiiyak na sabi ni Heart.

Ilang mga personalidad naman ang nagkomentong naiyak din sila habang pinapanood ang mini vlog ni Heart, lalo na ang pagiging emosyunal nito, gaya nina Darla Sauler, Lharby Policarpio, Kakai Bautista, Dominic Roque, Bea Alonzo, at iba pa.

Nagbigay rin ng mensahe ang mga tagahanga at tagasuporta ni Heart.

"BETRAYAL. This is what happens when you are too generous and too accommodating, na hindi mo namamalayan na inaabuso ka na pala. And when you finally stand ground or decide to fight back, these abusers suddenly flip the switch and accuse you of being maarte, overeacting, or maldita. But of course you have to be maldita in a world full of snakes… As long as you dont trample on other people on your way to the top, you are safe from Karma’s list. You see, those people who tried destroy you are now slowly being exposed as the treacherous leeches that they are, and they have only themselves to blame for their callous actions on social media. So my dearest @iamhearte YOU ARE ALLOWED TO BE MALDITA WHEN THE SITUATION CALLS FOR IT, so never be guilty for standing your ground. Cry, laugh, dance, do what heals you. You deserve peace."

"There is no coincidence, everything is done in such a way that it had to be done like that, totally agree."

"Definitely the sweetest angel and an amazing human being, we love you so so much Heart."

"I don't usually make a comment on her short vlogs..but this is an exception!...npaka authentic nya, makikita mong down to earth sya despite she's already on the the pedestal, carelessly happy, untroubled and unbothered, self define all women could ever wish for. Keep shining po Ms Heart."