October 06, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco
Photo Courtesy: Coco Martin PH (IG)

Naghayag ng pagkatuwa ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa inisyatibo ni “FPJ’s Batang Quiapo” director-lead actor Coco Martin.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Biyernes, Oktubre 4, sinabi ni Cristy na isinailalim umano ni Coco sa drug test ang buong produksiyon ng nasabing teleserye.

“Nakakatuwa si Coco Martin. Sumusunod siya talaga sa naaayon. [...] Isipin mo, pina-drug test niya lahat ng kaniyang production people,” saad ni Cristy.

“Kapag sa October 7 hindi nai-submit ‘yong kanilang drug test, hindi pwedeng magtrabaho,” aniya.

Teleserye

'Nakakagigil talaga!' McCoy De Leon, nagawa pang mag-picture bago magnakaw

Ayon pa sa batikang showbiz columnist,  dapat lang naman daw talagang bigyan ng disiplina lalo na ngayon na droga ang kalaban ng mga nasa produksiyon maging ng mga karaniwang tao man. 

Tila pinangangalagaan talaga ni Coco ang magandang reputasyon ng “Batang Quiapo” na mahigit isang taon na ring umeere sa primetime.

Matatandaang nagsimula itong mapanood noong Pebrero 13, 2023 matapos ang tagumpay ng kaniyang primetime series na “FPJ’s Ang Probinsiyano” na tumagal lang naman ng pitong taon.