October 06, 2024

Home SHOWBIZ

Bigat ng trabaho, hindi ramdam ng mga bagong artista?

Bigat ng trabaho, hindi ramdam ng mga bagong artista?
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Nagbahagi ng kanilang pananaw ang “Pasahero” stars na sina Louise Delos Reyes at Bea Binene kaugnay sa napapansin umano nilang pagbabago sa mga kakapasok pa lang na artista sa showbiz industry.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi ni Louise na hindi raw masyadong nararamdaman ng mga baguhang artista ang bigat ng trabaho.

“Nakikita ko lang ngayon na since iba na ‘yong takbo ng showbiz talaga—naging viral ka na, naging artista ka—parang ‘yong bigat ng trabaho saka ‘yong responsibility na kasama ng trabaho, hindi nila masyadong…nararamdaman,” saad ni Louise.

Para naman kay Bea Binene: “Ako po…lagi kong sinasabi kapag may mga nakakasama ako, like ako noong panahon ko,  natutunan ko po talaga na magpapakilala ako sa seniors ko.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kaya naman umaasa raw si Bea na maisama ng mga baguhang artista ang ganitong katangian bagama’t 

hindi naman daw nila sinasabi na lahat ng kakapasok lang sa industriya ay hindi na gumagalang sa mga mas nakakatanda.

“Hindi naman namin nilalahat. Parang sa amin lang, sana ma-embody rin at sana gawin din nila. Kasi kunwari kami, laki kami sa gano’ng culture,” aniya.

Matatandaang nagsimula umanong tumunog ang pangalan nina Bea at Louise nang mapanood sila youth-oriented drama series na “Tween Hearts” noong 2010 hanggang 2012 kung saan nila nakatrabaho sina Julie Anne San Jose, Alden Richards, at Barbie Forteza.