October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa
Photo courtesy: Screenshots from Beauty Gonzalez (IG)

Umani ng reaksiyon mula sa mga netizen ang video ng paghihiwa ng Kapuso star na si Beauty Gonzalez na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post kamakailan.

Sa video, makikitang hirap na hirap si Beauty sa paghiwa ng kalabasa, subalit all-smiles pa rin naman siya at tila hindi alintanang medyo nahihirapan sa ginagawa niya.

"How To Kill a Kalabasa," mababasa pa sa text caption ng post.

Nag-alala naman ang mga netizen sa paraan niya ng paghihiwa dahil baka masugatan o maaksidente raw siya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ilang netizens naman ang nagpayo kung paano ang tamang paghiwa ng kalabasa.

"Ako lang ba ung natakot sa way mong maghiwa?? sundan mo ung pagka-curve ng kalabasa mas madali."

"mukhang delikado po yung way ng paghiwa mo. ako yung kinabahan. sundan nyo yung mga lines sa kalabass para mas madali mahiwa. tsaka ingat po kayo may nabalitaan palang ako lately na namatay sa paghiwa ng magkakadikit na frozen burger patties. aksidenteng nasaksak nya sarili nya yun agad naisip ko after mapanood to."

"Naiinis ako sayo. Pero dahil maganda ka, hinayaan ko na lang."

"Ingat ka po sa paghiwa ng kalabasa hehe."