October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic
Photo Courtesy: Bea Binene (FB), Bea Alonzo (IG)

Ibinuking ng aktres na si Bea Binene na nakakatanggap daw siya ng mensahe sa kaniyang Instagram account matapos maghiwalay ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi ni Bea kung ano ang laman ng mga mensaheng ipinapdala sa kaniya ng mga netizen.

“Tito Ogs [Ogie Diaz], alam mo ba noong time na ‘yan ang dami kong nare-recieve din na messages sa Instagram na ‘Kaya mo ‘yan. Sana okay ka,’” kuwento ni Bea.

“A, napapagkamalan ka [na si Bea Alonzo]?” paniniyak ni Ogie.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Oo,” natatawang sagot ng aktres.

Matatandaang Pebrero nang basagin nina Bea at Dominic ang katahimikan tungkol sa umuugong na balitang hiwalay na sila sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque