October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!
Photo courtesy: Barbie Imperial (IG)

Sinita ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang ilang social media pages na bukod daw sa nagpapakalat ng negativity, gumagawa pa ng kasinungalingan bilang content para pagkakitaan.

Kaya marahil nakapagsalita na si Barbie nang ganito ay dahil isa rin siya sa mga artistang nagagawan ng fake news, lalo na't mainit ang mata sa kanila ngayon ng Kapamilya star na si Richard Gutierrez, na naiispatang kasa-kasama niya sa ilang lugar, kaya ang chika ay may relasyon na sila.

Isa pa, kumakalat din ang intrigang tsinugi na siya sa "FPJ's Batang Quiapo," bagay na hindi naman pala totoo, batay sa opisyal na pahayag na inilabas ng ABS-CBN.

Barbie Imperial - | Facebook

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Saad pa ni Barbie sa kaniyang post, nauunawaan daw niyang kailangang kumita ng content creators, pero hindi naman sa kailangang umabot sa gagawa na ng kasinungalingan para pagkakitaan.

Kaya nagbigay-babala si Barbie sa madlang netizens na ingat-ingat din sa pag-like, pag-comment, at pag-share ng mga kasinungalingang content dahil pinapayaman nila ang mga taong nasa likod nito.

"Ang daming pages ngayon na puro negativity ang pinopost. Worse, puro kasinungalingan para lang umangat ang engagements at kumita ng pera gamit ang paninira," ani Barbie.

"Nagegets ko naman na kailangan kumita ng pera pero sana sa paraang hindi mag sisinungaling."

"Ingat sa pag comment and like, pinapayaman nyo po yang mga may ari ng pages na yan nakakalungkot kasi paninira na ang strategy ng marketing ngayon, at ang daming naniniwala without fact checking," ani Barbie. 

Photo courtesy: Screenshot from Barbie Imperial (FB)