February 24, 2026

Home SHOWBIZ

‘Walang arte!’ Jodi Sta. Maria, hinangaan sa pagkain ng street foods

‘Walang arte!’ Jodi Sta. Maria, hinangaan sa pagkain ng street foods
Photo Courtesy: Jodi Sta. Maria (IG)

Hinangaan ng netizens ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa pagkain nito ng street foods. 

Sa kaniyang latest Instagram post, ibinahagi ni Jodi na napapasaya siya ng pagkain ng street foods. 

“Who says money can’t buy happiness? For ₱20 may 7 pirasong chicken balls or kikiam ka na! Ang saya diba?” sey ni Jodi.

“Kaway kaway sa mga lumaking nakaabang kay manong para bumili ng street food pagkatapos ng klase!” dagdag pa niya.

“Shout out sa team squid balls? Team fish balls? Or team BOTH?” 

Tsika at Intriga

Kylie kapag tumakbong VP ang erpat na si Sen. Robin: 'Aalis na ako ng Pilipinas!'

Dahil dito,  bumilib naman ang mga netizen sa aktres dahil wala raw itong kaarte-arte:

“aaaa sarap, nagcrave tuloy ako ate Jodii” 

“Kumakain ng street foods... nag-aadapt ng stray... Walang kaarte-arte... the best ka”

“Oh ngayon, talagang gusto ko na ang batang ito, napaka-simple, di maarte ”

“Simple joys”

“Talagang down to earth ka, Ms. Jodi. Iniidolo kita, God bless.”