October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Vivamax stars, Si Alden Richards bet maka-date, bakit kaya?

Vivamax stars, Si Alden Richards bet maka-date, bakit kaya?
Photo courtesy: screenshot from GMA Network (YouTube)

Direktang inilahad nina Vivamax stars Robb Guinto at Azi Acosta na si Kapuso star Alden Richards ang kanilang bet na maka-date sa kabila ng ilang kapuso hunk actors na kanilang pinagpilian.

Hindi nagdalawang isip sina Robb at Azi na piliin Alden sa pagsalang nila sa Fast Talk with Boy Abunda with Boy Abunda nitong Huwebes, Oktubre 3, 2024. 

Sa kasagsagan ng segment, naglabas ng magkakasunod na dalawang larawan si Tito Boy upang piliin nina Robb at Azi. Ilan sa mga larawan ay sina David Licauco, Ruru Madrid, Derrick Monasterio at Alden Richards.

“One of them asks you to a date, sino ang nasa isipan niyo at bakit?” pag-usisa ni Boy sa dalawa.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

“Alden Richards,” sagot ng dalawang aktres.

Para kay Robb, gusto daw niyang humingi pa ng acting tips sa aktor.

“Marami din akong gusto pang itanong sa kaniya. Like ‘yung mga pag-arte, kung ano ‘yung mga advice na maibibigay niya pa sa akin,” saad ni Robb.

Si Azi naman, tila ang pagiging hardworking daw ni Alden ang kaniyang hinangaan sa aktor. 

‘Naririnig ko pa ‘yung mga interviews niya dati na kasabay niya pa umuwi ‘yung production pauwi ng service. Tapos ngayon sobrang yaman niya na,” paglalahad naman ni Azi. 

Kasalukuyang mapapanood ang dalawang sexy stars sa online streaming platform na Vivamax, habang lumalabas na rin sa ilang teleserye sa TV si Robb kagaya na lamang ng hit series na “Black Rider” sa GMA. 

Kate Garcia